Pakiramdam mo ba ay paikot-ikot ka lang sa trading, paulit-ulit na ginagawa ang parehong pagkakamali? Hindi ka nag-iisa. Maraming trader, lalo na ang mga baguhan, ang nahuhulog sa karaniwang bitag na madaling maiwasan.
Hindi mahalaga kung gaano karami ang trades mo kundi kung gaano kaganda ang bawat desisyon. Gumawa ng trading schedule at siguraduhing magpahinga rin. Tandaan, kasinghalaga ng pagkilos ang pahinga para sa tuloy-tuloy na tagumpay.
Nakakatukso mang isugal lahat, ngunit base sa karanasan, kadalasan ay nauuwi ito sa pagkalugi imbes na benepisyo. Sundin ang 5% rule para maprotektahan ang iyong puhunan at mas tumagal sa mundo ng trading
Iwasan ang padalos-dalos na trades. Bawat asset — mula pera hanggang kalakal — ay may sariling galaw at nangangailangan ng natatanging diskarte. Mag-aral, gumawa ng estratehiya, at tumama nang may tiyak na layunin.
Walang trader na laging panalo. Ang pagkalugi ay hindi maiiwasan pero maaaring maging mahalagang pagkakataon upang matuto. Ang susi ay huwag panghinaan ng loob kundi mag-analisa, matuto, at mag-adjust.
Akala ng iba madali lang ang trading, pero nangangailangan ito ng tuloy-tuloy na pag-aaral. Pag-aralan ang galaw ng merkado, dumalo sa mga workshop, at makipag-ugnayan sa komunidad ng mga trader upang mapalalim ang iyong kaalaman.
Mag-practice muna sa demo account bago lumipat sa totoong trading. Mahalaga ito upang mapagmasdan ang galaw ng asset, makapag-trade nang walang panganib sa puhunan, at mapalakas ang kumpiyansa
I-transform ang iyong trading journey gamit ang anim na pangunahing hakbang na ito, na ginawa para hasain ang iyong diskarte at hubugin ang isang disiplinado, may kaalaman, at istratehikong pag-iisip sa trading. Handa ka na bang gumawa ng mas matalinong trades at makita ang resulta ng iyong mga desisyon sa trading?